Plano ng 1st Major Prize Winner sa katatapos na Grand Draw ng Swerte sa Palengke 2025 na gamitin ang kaniyang premyo upang matulungan ang kaniyang kapatid na naapektuhan ng mga nagdaang pagbaha sa Victory Norte, Santiago City.
Inihayag ni Ginang Juliet Castillo, ang 1st Major Prize Winner na nagwagi ng ₱30,000, ang labis niyang kasiyahan dahil matutulungan na niya ang kaniyang kapatid na binaha.
Wala aniyang mapagsidlan ang kaniyang tuwa at halos magtatalon siya nang ma-anunsyo ang kaniyang pangalan. Labis din ang kaniyang pasasalamat sa Panginoon dahil siya ang pinalad na makakuha ng Major Prize.
Sa kabuuan, nakapag-hulog siya ng halos isang daang entries gamit ang iba’t ibang proof of purchase.
Pinasalamatan din niya ang mga taong tumulong sa kaniya sa paggawa ng entries na kaniyang inihulog.











