Isiniwalat ni DILG Secretary Jonvic Remulla na inalok umano siya at ang kanyang kapatid ng ₱1 bilyon kapalit ng pagpapatigil sa imbestigasyon kaugnay ng flood control scandal.
Sa isang panayam, sinabi ni Remulla na idinaan ang alok sa isang intermediary ng isang taong sangkot umano sa isinasagawang imbestigasyon, subalit agad niya itong tinanggihan.
Ayon pa sa kalihim, inaasahang aabot sa humigit-kumulang ₱100 bilyon ang halaga ng mga bank accounts na na-freeze kaugnay ng naturang kaso.
Kasalukuyan nang kumikilos ang Anti-Money Laundering Council laban sa ilang indibidwal na inuugnay sa isyu, kabilang ang ilang mambabatas at dating opisyal ng party-list.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pamahalaan upang matukoy ang lawak ng umano’y anomalya at papanagutin ang mga sangkot.











