Naghain ng petisyon sa Korte Suprema (SC) nitong Biyernes ang dalawang indibidwal na kumukuwestiyon sa legalidad ng ₱114 bilyong budget ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa 2026.
Ang mga petitioner na sina Abdulsukor Mustapah at Bohari Lampatan ay humiling sa mataas na hukuman ng certiorari at pag-isyu ng temporary restraining order (TRO) laban sa Bangsamoro Autonomy Act (BAA) No. 85, na naglalaman ng pondo para sa operasyon ng BARMM sa 2026.
Ayon sa mga petitioner, nilabag umano ng BAA No. 85 ang Konstitusyon at ang Bangsamoro Organic Law (BOL) nang maglaan ito ng 23.22% o katumbas ng ₱26 bilyon para sa Ministry of Education, sa halip na bigyan ng pinakamataas na prayoridad ang sektor ng edukasyon sa paglalaan ng pondo ng pamahalaan.
Dagdag pa ni Rahman, binawasan umano ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) ang pondo para sa social services at nagkaroon ng grave abuse of discretion nang maglaan ito ng 41% o hindi bababa sa ₱47 bilyon ng kabuuang budget sa tanggapan ng Punong Ministro ng BARMM na si Abdulraof Macacua.
Hiniling ng grupo sa Korte Suprema na maglabas ng TRO at tuluyang ideklarang unconstitutional ang BAA No. 85 na ipinasa ng BTA.
Noong Disyembre 2025, ipinasa ng BTA ang BAA No. 85 na naglalaan ng pondo para sa operasyon ng pamahalaang Bangsamoro sa taong 2026.








