--Ads--

Inaasahang matatapos sa taong 2027 ang itatayong modern rice processing system sa Cauayan City, Isabela.

Ito ay nagkakahalaga ng ₱665 million na pinondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) sa ilalim ng Japan’s “Economic and Social Development Programme.”

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Isabela Governor Rodolfo “Rodito” Albano III, sinabi niya na uumpisahan na ngayong taon ang konstruksyon nito na malaking tulong para sa mga magsasaka.

Gagamitin din ang pondo sa pagbili ng apat na mechanical grain dryers na may kapasidad na 30 metric tons bawat isa; isang multi-stage rice mill na may processing capacity na 10 tons per hour; at apat na grain silos na may kapasidad na 1,000 metric tons.

--Ads--

Ayon sa Gobernador, ang itatayong pasilidad ay naglalayong mapalakas ang buffer stocking capability ng National Food Authority. Pwede rin itong gamitin sa milling at drying ng mga aning palay ng magsasaka upang maiwasan ang pagkalugi.

Tinatayang nasa 5,000 na magsasaka sa Isabela ang direktang makikinabang sa naturang proyekto