--Ads--

Inilahad ni Atty. Joel Butuyan, common legal representative ng mga biktima, ang kanyang opening statement sa confirmation of charges hearing ng International Criminal Court (ICC).

Ayon sa kaniya, kung pipigilan ng chamber ang pag-usad ng kaso sa pamamagitan ng hindi pag-confirm ng charges, mananatiling nakatali ang mga biktima sa isang isla kung saan ang gabi ay puno ng sigaw at iyak ng kanilang mga minamahal na pinaslang.

Binibigyang-diin sa pahayag ni Butuyan ang kahalagahan ng confirmation of charges hearing para sa hustisya at pagkilala sa karapatan ng mga biktima ng umanoโ€™y crimes against humanity sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.