CAUAYAN CITY– Isang daang bahagdan nang naibalik ang tustos o daloy ng kuryente ng National Grid Corporation of The Phil. sa Cagayan na naapektuhan ng Bagyong Maring.
Sa naging panayam ng Bombo radyo Cauayan, inihayag ni Bb. Malou Refuerzo, Government Relations and Regional Affairs Lead Specialist ng NGCP na fully restored na ang kanilang linya noong gabi ng October 11, 2021.
Medyo natagalan ang pagbabalik ng supply ng kuryente sa kanilang linya pangunahin na sa Santa Ana Line dahil may dalawang poste sa Gonzaga, Cagayan na natumba dulot ng malakas na hangin na dala ng bagyong Maring.
Bukod sa hindi bumaba kaagad ang tubig baha ay mapanganib kapag ibinalik kaagad ang tustos ng kuryente.
Nagkaroon din ng brownout sa Tuguegarao-Magapit Line noong Oktobre 12, 2021 ngunit agad ding naibalik ang tustos ng kuryente.












