--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot na sa mahigit 1300 na mga maliliit na rice retailers ang nabigyan ng 15,000 pesos na financial aid ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Region 2.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Division Chief Pasencia Ancheta ng Promotive Services Division ng DSWD Region 2, sinabi niya na mula sa 1,542 na target ng nasabing ahensiya ay 1,385 na ang kanilang nabigyan ng nasabing financial assistance.

Matatandaang nagpalabas ang pamahalaan ng financial assistance sa mga rice retailers matapos silang maapektohan ng price cap sa bigas.

Ayon kay Ancheta, hindi naman kasali sa mga nabigyan ng financial assistance ang mga hindi nakasunod sa price cap, hindi nagbenta ng bigas habang ipinapatupad ang price cap, mga walang business permit at mga malalaking rice retailers.

--Ads--

Sa ngayon humingi na ng palugit ang DSWD Region 2 upang maibigay pa rin ang mga financial assistance sa ilan pang rice retailers sa Batanes dahil sa naging epekto ng bagyong Jenny.