--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang boat helper matapos malunod sa iIog Cagayan na bahagi ng Brgy Dilakit, Divilacan, Isabela.

Ang biktima ay si Romel Caalim, dalawampong taong gulang at residente ng Brgy. Bulot Point, Gattaran, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, noong huwebes, ikalabing syam ng Hulyo ay nagpaalam umano ang biktima na uuwi na matapos makipag-inuman kasama ang tatlong iba pa ngunit natagpuan na lamang ang kaniyang katawan na wala nang biuhay sa dalampasigan.

--Ads--

Posible naman umanong nalunod ang biktima dahil sa sama ng panahon.