--Ads--

CAUAYAN CITY – Natangayan ng limampong libong piso ang isang collection supervisor matapos ma hold up sa Barangay Tuguegarao, Echague.

Ang biktima ay si Mark Louie Sadora, 24 anyos, may-asawa, collection supervisor ng isang gasoline station at residente ng Barangay Ipil.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, binabaybay ng biktima ang Provincial Road sakay ng motorsiklo nang harangan ng dalawang hindi pa nakikilalang pinaghihinalaang sakay din ng motorsiklong walang plaka.

Pwersahang kinuha ng mga pinaghihinalaan ang bag ng biktima at kinuha ang 50,000 pesos na koleksyon nito mula sa gasoline station.

--Ads--

Agad na tumakas ang mga pinaghihinalaan sakay ng motorsiklong walang plaka patungong kanlurang direksyon.

Patuloy na inaalam pa ng PNP Echague ang pagkakakilanlan ng mga pinaghihinalaan.