--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang Construction Worker matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa kongkretong bakod sa Pambansang lansangan na nasasakupasn ng Barangay Baligatan, Lunsod ng Ilagan.

Ang namatay ay si Gerald Castillo, 21-anyos, Construction Worker at residente ng Barangay Sipay.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, galing ang biktima sa Brgy Camunatan at papauwi na sana ngunit habang binabaybay ang pambansang lansangan ay nabunggo nito ang kongkretong bakod na nagresulta ng kaniyang agarang kamatayan.