--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang dalaga sa banggaan ng motorsiklo at commuter van sa panlalawigang lansangan na bahagi ng brgy. Lanting, Roxas, Isabela.

Ang namatay ay si Lalaine Hinaniban, driver ng Yamaha Mio 125 na walang plaka dalawampu’t anim na taong gulang, dalaga, tubong Malabon City at pansamantalang naninirahan sa Brgy. Bantug, Roxas, Isabela habang ang nakabanggaan ay ang Toyota Hi-ace commuter Van na minamaneho ni SALVADOR DE GUZMAN JR., tatlompu’t isang taong gulang, binata, at residente ng 148 Central Fairview, Baguio City, Benguet.

Sa pagsisiyasat ng Roxas Police Station, binabagtas ng dalawang sasakyan ang naturang lansangan sa magkasalungat na direksyon nang mapunta sa kabilang linya ang motorsiklo.

--Ads--

Sinubukan pang umiwas ng van subalit nabangga parin nito ang motorsiklo.

Dahil dito ay nagtamo ng malalang sugat sa ulo ang biktima na agad dinala sa pagamutan subalit idineklara ring dead on arrival.

Ang tsuper ng Van ay nasa pangangalaga na ng Roxas Police Station para sa kaukulang disposisyon.