--Ads--
CAUAYAN CITY – Dinakip kagabi ang tatlong kalalakihan sa Purok 3, Lingaling, Tumauini, Isabela matapos na naaktuhan ng mga pulis na nag-iinuman.
Ang mga inaresto ay sina Mark Vargas, 30-anyos, binata at empliyado ng DepEd, Artemio Gumayas, 37-anyos, binata, driver at Milky Garcia, 36-anyos, binata, driver at pawang residente ng nasabing lugar.
Nakatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen ang himpilan ng Tumauini Police Station tungkol sa pag-iinuman ng mga nahuli sa Miranda’s residence sa Purok 3, Lingaling, Tumauini, Isabela.
Agad nila itong tinugunan at naaktuhan ang tatlo na nag-iinuman.
--Ads--
Sa ngayon ay nasa pangangalag na ng nasabing himpilan ang tatlo para sa kaukulang disposisyon.











