Nakatakdang magbukas ng isang gate sa Magat Dam ang National Irrigation Administration – Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS) mamayang alas-3 ng hapon, Oktubre 18.
Ito ay may isang metrong opening o katumbas ng 174 cubic meters per second na volume ng tubig bilang paghahanda sa mga pag-ulang dala ng bagyong Ramil.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Edwin Viernes, Flood Forecasting and Instrumentation Head ng NIA-MARIIS, sinabi niya na as of 8:00am ngayong Sabado ay nasa 186.40 meters above sea level ang antas ng tubig sa dam.
Mayroon aniyang pagbaba sa water elevation dahil na rin sa paglalaan ng tubig para sa power generation.
Target naman itong mapababa hanggang 185masl upang mapanatili ang ligtas na water elevation ng Magat Dam.
Sa ngayon ay mas malaki ang volume ng pinapakawalang tubig sa dam na umaabot ng 230.17 cms kumpara sa inflow nito na 151.44 cms.











