--Ads--

CAUAYAN CITY – Dahil sa nararanasang pagbuhos ng ulan ay hindi na maaaring madaanan ng anumang uri ng sasakyan ang dalawang overflow bridge sa bayan ng Maddela,Quirino

Umapaw na ang tubig sa ilog kaya hindi na makadaan ang mga sasakyan sa Manlad at San Pedro overflow bridges.

Patuloy naman ang monitoring ng pulisya sa mga apektadong barangay.

Gayunman, kahit malaki ang antas ng tubig ay mayroon pa ring pasok ang mga mag-aaral.

--Ads--

Samantala, hindi pa rin natatagpuan ang katawan ng isang mangingisda na nalunod sa Nagtipunan, Quirino.

Nakikipag-ugnayan na ang pulisya sa ibat ibang himpilan ng pulisya para sa posibleng pagkakatagpo ng bangkay ni Jerwin Pantaleon na residente ng San Dionisio Dos,Nagtipunan, Quirino.

Matatandaan na nangisda ang 19 anyos na biktima sa kasagsagan ng pag-ulan subalit tinangay ng malakas na agos ng tubig.