CAUAYAN CITY – Agad na ipapaopera ni Ginang Maria Isabel Ballesteros ang mga nabulag na mata apat na taon na ang nakalipas matapos matanggap na ang napanalunang 1 million pesos sa grand draw ng One Two Panalo Year 20 Promo.
Si Ginang Ballesteros, 66 anyos, biyuda, residente ng Sta. Luciana, Cauayan City ay may katarata ang isang mata habang glaucoma ang isa at mayroon ding hypetension kaya taimtim niyang idinalangin na manalo siya sa grand draw ng On Two Panalo Year 20 promo.
Masugid na tagapakinig ng Bombo Radyo Cauayan si Ginang Ballesteros at napalundag sa tuwa noon matapos mapakinggan na siya ang nagwagi ng 1 million pesos.
Labis siyang nagpapasalamat sa Bombo Radyo Philippines dahil malaking tulong ang napanalunang 1 million pesos para matupad ang kanyang pangarap.
Ayon kay Ginang Ballesteros, ang 500,000 pesos ay ibibigay niya sa bunsong anak para sa makapagpakasal na at makapagpatayo ng sariling bahay.
Bibigyan din niya ng pera ang iba pang anak habang ang mga kapatid ay bibigyan niya ng 10,000 pesos bawat isa.











