--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasawi ang isang menor de edad na estudyante matapos ang naganap na aksidente sa  Brgy. Alibagu, City of Ilagan, Isabela.

Sangkot sa aksidente ang ay isang motorsiklo na minamaneho ng isang labimpitong taong gulang na estudyante na residente ng Barangay Upi, Gamu, Isabela kasama ang back rider na isa ding menor de edad at isang truck

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCAPT Noralyn Andal, Public Information Officer ng City of Ilagan Police Station aniya ay nakatanggap ng tawag ang kanilang himpilan ng tawag mula sa isang concerened citizen kaugnay sa naganap na aksidente.

Batay sa pagsisisyasat ng mga kapulisan lumalabas na binabagtas ng truck ang kahabaan ng pambansang lansangan na nasasakupan ng Barangay Alibagu patungon timog na direksyon patungo sa Gamu Isabela.

--Ads--

Nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente partikular sa palusong na bahagi ng daan ay nawalan umano ng preno ang truck sanhi para mabangga at makaladkad pa ang mga biktima.

Bilang resulta nagtamo ng malubhang sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na agad dinala sa pagamutan ng mga rumespondeng Rescue 1124 ngunit sa kasamaang palad ay idineklarang Dead on Arrival ang back rider ng motorsiklo habang ang driver nito ay nasa kritikal na kondisyon na inoobserbahan sa pagamutan.

Sa ngayon ang mga sangkot na sasakyan maging ang driver ng truck ay nasa pangangalaga na ng City of Ilagan Police Station para sa kaukulang disposisyon.

Ayon kay PCPT Andal na pauwi na sana umano ang dalawang estudyante mula sa kanilang eskwelan ng maganap ang insidente.