Nasawi ang isang lalaki habang sugatan naman ang misis nito matapos bumangga ang sinasakyang SUV sa isang concrete barricade ng ginagawang daan sa Dagupan, San Mateo, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PSSgt. Clemente Caronan Jr., Imbestigador ng San Mateo Police Station, sinabi niya na binabagtas ng mag-asawang biktima na residente ng Cauayan City ang Santiago-Tuguegarao Road sakay ng SUV patungong timog na direksyon.
Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay nabangga ng SUV ang concrete barricade ng ginagawang daan dahilan upang magpa-ikot-ikot ang sasakyan tsaka bumangga sa likurang bahagi ng isang pampasaherong bus na nasa kabilang linya ng daan.
Dahil sa lakas ng impact ay nagtamo ng matinding injuries ang mga biktima kung saan idineklarang dead on arrival sa pagamutan ang driver ng SUV habang patuloy namang nagpapagaling ang misis nito.











