--Ads--

CAUAYAN CITY- Isa ang nasawi anim ang nasugatan karambola ng mga sasakyan sa Sitio Turturayok Brgy. Abian, Bambang.

Ang mga sangkot na sasakyan ay isang truck na minamaneho ni Raymond Mallari na residente ng San Miguel, Bulacan.

Habang sangkot din ang isang close van truk na minaneho ni Judy Madera Galamay, 44-anyos na residente ng Brgy.Calaocan, Bambang, Nueva Vizcaya at van na minamaneho nsaman ni Jobert Marcos na residente ng Gurol, Bukod, Benguet kasama ang mga pasaherong sina Jerry Mihar Lingay, 21-anyos na residente ng Lower Kalao, Villaverde, Nueva Vizcaya, Armando Yabut Alcazarin, 35-anyos na residente ng Amblong, Aurora Hill, Benguet at isa pang lalaki na hindi pa nakikilala.

Batay sa pagsisiyasat ng pulisya kapwa binabagtas ng dalawang truck ang lansangan patungo sa timog na direksyon patungo sa Bayan ng Aritao.

--Ads--

Nang makarating sa lugar na pinangyarihan ng insidente ay umagaw ng linya ang van na minamaneho ni Marcos at bumangga sa sa truck.

Sa lakas ng pagkakabangga ay nabangga pa ng van ang  sumusunod na isa pang truck na minamaneho naman ni Galamay.

Bilang resulta ay humambalang sa gitna ng kalsada ang van habang nagtamo naman ng malubhang sugat sa katawan ang mga lulan nito na agad dinala sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival ang isa sa mga pasahero.

Samantala, dahil sa aksidente ay bahagyang nagkaroon ng pagbigat ng trapiko sa lugar na agad namang tinugunan ng MDRRM Office katuwang ang Philippine National Police ng Nueva Vizcaya.

Ayon kay King Webster Balaw-ing ang PDRRM Officer ng Nueva Vizcaya, walang naitalang re-routing sa lugar kung saan naganap ang aksidente kaya naman matiyaga na lamang nilang pinakiusapan ang mga motoristang dumaan sa lugar.