--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang pagtugis ng militar sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na nakasagupa kahapon sa Barangay Ud-udiao sa Sal-lapadan, Abra.

Sa naging panayam ng BombO Radyo Cauayan, sinabi ni 1st Lt. Catherine Hapin, chief ng Public Affairs Office ng 7h Infantry Division Philippine Army sa Fort Ramon Magsaysay, Nueva Ecija na nagkaroon ng sagupaan matapos tumugon ang mga kasapi ng Charlie Company ng 24th Infantry Battalion sa pangunguna ni 1st Lieutenant Ricardo Francisco Jr., sa sumbong ng mga residente ng Barangay Ud-udiao hinggil sa pangingikil ng pagkain ng mga NPA.

Tinatayang sampung NPA ang nakasagupa ng mga sundalo na tumagal ng dalawamput walong minuto.

Nagbunga ito ng pagkapatay ng isang kasapi ng NPA na hindi pa nakilala ang pangalan.

--Ads--

Nakumpiska rin ng militar ang tatlong M16 armalite rifles, isang carbine at   isang Icom radio.

Sinabi ni 1st Lt. Hapin na walang sibilyan at sundalong nasugatan o nasawi sa naganap na bakbakan sa nasabing lugar sa Sal-lapadan, Abra.