--Ads--

CAUAYAN CITY – Isa ang patay habang nakaligtas ang labindalawa pang sakay ng isang jeep na nahulog sa bangin dakong alas siyete kagabi sa gilid ng daan sa  San Jose, San Mariano, Isabela.

Ang jeep ay minaneho ni Chito Baligod, 40 anyos at residente ng Casala,  San Mariano, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj Edgar Manuel Jr., hepe ng San Mariano Police Station, sinabi niya na jeep ay pauwi na sa Casala, San Mariano, Isabela mula sa  barangay Sta. Felomena,  kung saan nagpabakuna ang mga lulan nito nang makasalubong ang motorsiklo na sobrang maliwanag ang led light.   

Ang jeep ay pababa sa daan habang paakyat ang motorsiklo.

--Ads--

Dahil nasilaw umano  ang tsuper ng jeep sa led light ng motorsiklo ay hindi natantiya ang daan.

Ang alam umano ni Baligod ay may shoulder ang daan ngunit nahulog ito dahil bangin na ang gilid ng daan na may lalim na 15 metro.

Nadaganan ng bumaliktad na jeep ang tumalon na pasahero na si Bernard Macabiog, 24 anyos, binata at at residente ng San Jose, San Mariano, Isabela.

Siya ay nagtamo ng malalang sugat sa katawan at patay na nang idating sa San Mariano Community Hospital.

Nagsagawa ng rescue operation matapos mahulog sa bangin at bumaliktad ang jeep ang mga kawani ng  Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council   (MDRRMC) ng San Mariano, Isabela.

Hindi umano tumigil ang tsuper ng motorsiklo sa kabila ng pangyayari.

Ang pahayag ni PMaj Edgar Manuel.