--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang lalaki habang nasugatan ang dalawa pa matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem criminal habang binabagtas ang tulay sa Sto. Tomas, Isabela.

Ang namatay ay si Junior Limbauan habang ang mga nasugatan ay sina Loreto Masiddo at Benjie Angoluan.

Naganap ang pamamaril sa Cansan overflow bridge na matatagpuan sa pagitan ng bayan ng Santo Tomas at Cabagan, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Police Senior Inspector Mariano Manalo, ang hepe ng Sto Tomas Police Station, sinabi niya na binabagtas nina Junior Limbauan at Loreto Masiddo ang tulay lulan ng tricycle ay pinaputukan sila ng riding-in-tandem criminal gamit ang hindi pa matukoy na uri ng baril.

--Ads--

Nakatakbo si Masiddo, driver ng tricycle ngunit hinabol ng suspek at pinagbabaril.

Isinugod sa ospital sina Masiddo at Limbauan ngunit binawian ng buhay si Masiddo dahil sa malubhang tama ng bala ng baril sa kaniyang katawan.

Matapos ang pamamaril ay nakatanggap ng ulat ang Station 2 ng Santiago City Police Office Station (SCPO) na may isinugod sa Southern Isabela General Hospital (SIGH) na biktima ng ligaw na bala na natamaan dahil sa nasabing insidente na kinilalang si Benjie Anguluan.

Batay sa imbestigasyon ng Station 2 ng SCPO, natamaan ng ligaw na si Anguluan habang binabaybay ang daan malapit sa pinangyarihan ng pamamaril sakay ng tricycle kasama ng kanyang asawa at anak.

Nagtamo siya ng tama ng bala sa kanyang paa.

Sinabi Manalo na away sa lupa ang kanilang tinitingnang motibo sa pamamaril.

Sinabi naman ni Anguluan na nadamay lamang siya rito.

Patuloy na sinisiyasat ng Santo Tomas ang nasabing pangyayari para matukoy ang mga suspek.