--Ads--

CAUAYAN CITY – Namatay habang ginagamot ang isa sa tatlong biktima ng pamamaril sa Centro, San Antonio, Ilagan City.

Ang namatay ay si Arthur Mata habang kasalukuyan pa ring ginagamot ang kanyang dalawang kasamahang biktima ng pamamaril na sina Primar Baje at Berto Viernes, pawang may-asawa, mga magsasaka at residente ng nasabing barangay.

Sa pagsisiyasat ng Ilagan City Police Station tanging si Mata ang natamaan ng dalawang beses sa tiyan habang natamaan sa mga paa sina Baje at Viernes.

Nagbigay impormasyon ang pamilya Mata sa himpilan ng pulisya na binawian ng buhay si Arthur habang nilalapatan ng lunas sa ospital.

--Ads--

Mayroon nang sinusundang gabay ang mga pulis sa nasabing pamamaril.

Magugunitang ang mga biktima ay naghahanda ng pagkain para sa kasal ng kanilang kapitbahay nang dumating ang mga pinaghihinalaan na namaril matapos mawalan ng tustos ng kuryente.