--Ads--

CAUAYAN CITY –  Isa ang patay, tatlo ang nasugatan sa banggaan kagabi ng dalawang motorsiklo sa provincial road sa San Luis, Solano, Nueva Vizcaya.

Nangyari ang banggaan ng dalawang motorsiklo matapos na lampasan ng motorsiklo na minaneho ng nasawi ang sinusundang sasakyan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj Ferdinand Laudencia, hepe ng Solano Police Station, kinilala niya  ang nasawi na si  Rowel Gangan,  24 anyos,   account officer at residente ng  La Torre North, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Nakabanggaan nito ang isa pang motorsiklo na minamaneho ni Eddie Gambol, residente ng Tucal, Solano, Nueva Vizcaya na patungong direksiyon ng bayan ng Villaverde, Nueva Vizcaya.

--Ads--

Nasugatan din ang angkas ni Gambol na sina  Fernando Sumiquiab, 17 anyos, mag-aaral, residente ng Poblacion, Villaverde, Nueva Vizcaya at  Dee Jay Olog, 18 anyos at residente ng Tucal, Solano, Nueva Vizcaya.

Dinala sila sa ospital ngunit dead on arrival si Gangan dahil sa malubhang sugat sa katawan.

Ang tinig ni PMaj Ferdinand Laudencia