--Ads--

CAUAYAN CITY Isa ang patay habang tatlo ang nasugatan sa banggaan ng motorsiklo at kolong-kolong kaninang madaling araw sa pambansang lansangan na bahagi ng barangay Alibagu, City of Ilagan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa City of Ilagan Police Station, dahil sa lakas ng banggaan ay nagliyab ang dalawang sangkot na sasakyan subalit agad ding naapula ang apoy ng mga tumugon na kasapi ng Bureau of Fire Protection (BFP) City of Ilagan.

Dinala sa isang ospital ang apat na lalaking nasugatan ngunit idineklarang dead on arrival ang isa sa kanila habang ang iba ay nagtamo ng malalang sugat sa katawan.

Hindi agad natukoy ng mga imbestigador ng pulisya ang pagkakilanlan ng mga biktima.

--Ads--