CAUAYAN CITY – Isa ang patay, tatlo ang nasugatan sa banggaan kagabi ng motorsiklo at tricycle sa national highway sa Oscariz, Ramon, Isabela.
Ang nasawi ay ang tsuper ng motorsiklo na si Ronnie Rafael, 27 anyos habang nasugatan ang angkas na si Edison Marcelo, 25 anyos, may-asawa, magsasaka at kapwa residente ng Purok 7, Burgos Ramon, Isabela.
Ang nasugatan naman na tsuper ng tricycle ay si William Palomares, 49 anyos, may asawa, construction worker at ang sakay na si Eddie Boy Carcueva, 31 anyos, construction worker at kapwa residente ng Purok 1 Burgos, Ramon, Isabela.
Sa imbestigasyon ng Ramon Police Station, parehong binabagtas ng dalawang sasakyan ang pambansang lansangan patungo sa Santiago City ngunit nang makarating sa nasabing lugar ay bigla umanong ng tumigil ang tricycle kaya nabangga ng sumusunod na motorsiklo.
Agad dinala sa ospital ng mga miyembro ng Rescue 316 ng Ramon ang mga nasugatan subalit idineklarang dead on arrival ang tsuper ng motorsiklo na si Ronnie Rafael.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni William Palomares na natanggal ang kadena ng tricycle kaya sila tumigil.
Inamin din niya na nakainom siya ng alak