--Ads--

CAUAYAN CITY – Isa ang patay habang tatlo ang nasugatan sa salpukan ng dalawang motorsiklo sa pambansang lansangan na bahagi ng Maligaya, Tumauini, Isabela.

Ang nasawi ay ang tsuper ng isang sangkot na motorsiklo na si Magno Asingayan, 58 anyos, may asawa, retiradong sundalo at residente ng Maligaya, Tumauini, Isabela.

Ang mga nasugatan ay ang tsuper ng nakasalpukan na motorsiklo na si Private First Class Sherwin Ford Lingbawan, 25 anyos gulang at ang angkas nila na sina Jay-ar Bulauan, 32 anyos, may-asawa, residente ng San Mateo, Tumauini, Isabela at Fely Entera, 25 anyos residente naman ng Alibagu, City of Ilagan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Junniel Perez, hepe ng Tumauini Police Station, nangyari ang salpukan ng dalawang motorsiklo nang parehong nag-overtake sa sinusundan nilang sasakyan.

--Ads--

Aniya, kapwa nabulaga ang dalawang tsuper kaya hindi na nakabalik sa kanilang mga linya.

Sinabi ni Maj. Perez na binawian ng buhay ang retiradong sundalo habang inilipat si Lingbawan sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegrao City.

Ayon pa kay PMay Perez, hindi naman accident prone area ang pinangyarihan ng aksidente dahil ito ang unang beses na may nangyaring aksidente sa lugar.

Sa ngayon ay patuloy na inoobserbahan ang kalagayan ng tatlong nasugatan.

Pakiusap niya sa mga motorista na mag-ingat at ugaliing magsuot ng helmet kung magmamaneho ng motorsiklo upang maiwasan ang matinding pinsala kapag nasangkot sa aksidente.

Ang pahayag ni PMaj Junniel Perez