CAUAYAN CITY – Dalawa ang patay, tatlo ang nasugatan sa karambola kagabi ng tatlong sasakyan sa national highway sa Osmeña, Ilagan City.
Ang nasawi ay si Deenbert Tuquiero , 26 anyos, driver ng trcycle, utility ng Provincial Jail at residente ng Alibagu, Ilagan City at ang sakay na si Eusebio Munio.
Nasugatan ang kanyang mga sakay na sina Gracia Munio, 25 anyos at Shan Munio, 3 anyos.
Nasugatan din ang driver ng closed van na si George Baduyen, 41 anyos, negosyante at residente ng Osmeña, Lunsod ng Ilagan.
Hindi pa nakilala ang tsuper ng six by six truck na tumakas matapos ang karambola ng tatlong sasakyan .
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, patungong Barangay Baligatan, Ilagan City ang truck na may mga sakay na bato.
Nag-overtake ang truck at napunta sa linya ng tricycle at closed van kaya naganap ang karambola.
Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang apat na sakay ng tricycle at ang tsuper ng van.
Agad dinala sa Gov. Faustino N. Dy Sr. Memorial Hospital para malapatan ng lunas ang kanilang mga tinamong sugat ngunit idineklarang dead on arrival si Tuquiero.