--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang magsasaka habang apat ang sugatan sa banggaan ng kolong-kolong at motorsiklo sa pambansang lansangan na bahagi ng Brgy. Aga, Delfin Albano, Isabela.

Ang namatay ay si George Cabaddu Sr, 55-anyos, may asawa, magsasaka, sakay ng kulong-kulong habang ang mga sugatan naman ay sina Jhon Cabaddu, 17 anyos, grade 12 at George Cabaddu Jr, 26 anyos, laborer at pawang mga sakay ng kulong-kulong at residente ng naturang barangay.

Sugatan din ang tsuper ng isang motorsiklo na minamaneho naman ni Warren Abalos, 21 anyos, binata,at sakay nito si Michael Mendoza, 17 anyos, grade 8, kapwa residente ng Brgy Aneg, Delfin Albano, Isabela.

Sa ibinahaging impormasyon ng Isabela Police Provincial Office, lumabas sa pagsisiyasat ng Delfin Albano Police Station na patungong silangang direksyon ang kulong-kulong nang makabanggan ang motorsiklo.

--Ads--

Nagtamo ng mga sugat ang lahat ng sakay ng dalawang sasakyan na agad dinala sa pagamutan para malapatan ng lunas subalit namatay si George Cabaddu Sr habang nilalapatan ng lunas.