--Ads--

CAUAYAN CITY – Isa ang patay, 2 ang nasugatan sa salpukan ng dalawang Sport Utility Vehicle (SUV) sa national highway sa Cabagan, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PMaj. Noel Magbitang, hepe ng Cabagan Police Station na ang nagsalpukan na sasakyan ay isang Montero Sport na minamenho ni Patrolman Juvimar Rodriguez, miyembro ng San Pablo Police Station at isang Isuzu Alterra na minaneho ni Sherwin Ravana, 40 anyos, guro  at residente ng San Mariano, Isabela.

Ayon kay PMaj Magbitang, ang Alterra ay patungong Tuguegarao City habang ang Montero Sport na minamaneho ng pulis ay pauwi sa Tumauini, Isabela.

Naganap ang salpukan ng sasakyan nang lampasan ni Ravana ang sinusundang Adventure.

--Ads--

Sa lakas ng banggaan ng dalawang sasakyan ay nahulog ang namatay na sakay ng Isuzu Alterra na si Redentor Torres na isang mekaniko.

Lumabas sa imbestigasyon ng Cabagan Police Station na nasa impluwensiya ng alak si Patrolman Juvimar Rodriguez.

Ang pahayag ni PMaj Noel Magbitang.