--Ads--

Nasawi ang isang pulis at apat na iba pang sibilyan sa New York matapos mag-amok ang isang lalaki sa Midtown Manhattan gamit ang AR-style rifle kung saan mahigit sampung katao ang nasugatan.

Naganap ang naturang pamamaril sa isang gusali sa Midtown Manhattan nitong Lunes ng gabi oras sa Amerika.

Ayon sa ulat, may suot na bulletproof vest ang suspek at nagbarikada ito sa loob ng gusali, na matatagpuan sa 345 Park Avenue, bago tuluyang “na-neutralize” ng mga awtoridad.

Ayon sa mga Pulisya, natagpuang wala nang buhay ang 27-anyos na suspek  sa loob ng gusali matapos umano nitong kitilin ang sarili nitong buhay.

--Ads--

Inihayag ng New York Police District Commissioner na kontrolado na nila ang sitwasyon at tumugon na rin ang Federal Bureau of Investigation (FBI) upang tumulong habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Hanggang ngayon ay hindi pa malinaw ang motibo ng pamamaril.