--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagsasagawa na ng pagtugis ang mga kasapi ng 86th Infantry Battalion Philippine Army at Tactical Operations Groups ng Philippine Airforce (PAF) sa mga kasapi ng New Poeple’s Army (NPA) na nakasagupa ng mga pulis kaninang alas singko ng madaling araw sa Barangay Burgos, San Guillermo, Isabela.

Isang platoon ng 205th Manuever Company ng Regional Mobile Force Battalion sa San Agustin, Isabela sa pangunguna ni PLt Edmund Calagui ay papunta sa Burgos, San Guillermo, Isabela nang makasagupa nila ang mga hindi pa batid na bilang ng mga NPA.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Lt. George Dayag, deputy chief of police ng San Guillermo Police Station na dinala sa Rural Health Unit (RHU) sa San Guillermo ang dalawang nasugatang pulis.

Hindi pa pinangalanan ng Philippine National Police (PNP) ang mga nasawi at nasugatan dahil kailangan pang ipabatid sa kanilang mga pamilya ang nangyari sa kanila.

--Ads--

Ayon kay PLt Dayag, nakipag-ugnayan sila sa Philippine Army para sa pagtugis sa mga rebelde na kumikilos sa nasabing lugar.

Ang tinig ni PLt George Dayag