Isa sa bawat apat na Pilipino na nasa tamang edad ang nakaranas ng pagtataksil o cheating sa relasyon, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na inilabas nitong Huwebes.
Batay sa survey, 27% ng mga respondent ang nagsabing nakaranas o nakasaksi ng infidelity, habang 72% ang hindi. Sa mga nag-ulat ng cheating, 11% ang physical, 11% emotional, 6% cyber at object cheating, 5% financial, 4% micro-cheating, at 8% combined cheating.
Tungkol sa muling pagbuo ng tiwala, 43% ang naniniwalang posible pa, 36% ang nagsabing hindi na, at 19% ang hindi tiyak.
Isinagawa ang Fourth Quarter 2025 Social Weather Survey mula Nobyembre 24–30, 2025 sa 1,200 adultong Pilipino sa buong bansa sa pamamagitan ng face-to-face interviews. May margin of error itong ±3% para sa national results at ±6% kada lugar.











