--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang Senior Citizen na lalaki matapos mabangga ng isang Elf truck sa barangay District 1, San Manuel Isabela.

Ang biktima ay si Domingo Agustin, 70-anyos, walang asawa, magsasaka at residente ng barangay District 2, San Manuel Isabela habang ang pinaghihinalaan ay si Danilo Lacar Jr. 36-anyos, may asawa, tsuper ng truck at residente ng Poblacion Cabugao Apayao.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Senior Inspector Ronald Suyu, hepe ng San Manuel Police Station na habang naglalakad ang biktima sa lansangan ay nabangga ito ng elf na minamaneho ni Lacar na pauwi na sana sa Cabugao, Apayao.

--Ads--

Hindi napansin ng pinaghihinalaa ang biktima dahil sa malakas na ilaw ng kasalubong na sasakyan.

Nagtamo ng mga malalang sugat ang biktima na nagsanhi ng kaniyang agarang kamatayan.