CAUAYAN CITY- Patay ang isang lalaki habang dalawa ang kritikal matapos bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa isang jeepney sa Bugallon Proper, Ramon,Isabela.
Ang namatay ay si Jeffrey Valenzuela, 20 anyos, habang ang dalawang dalawang malubhang nasugatan ay sina Renante de Guzman at Andy Valenzuela, kapwa 28 anyos, mga farm laborers at pawang residente ng Raniag Ramon, Isabela.
Nakilala ang nagmmaneho ng jeepney na nakabangga sa kanila na si Jaime Ballad, 63 anyos, isang fish dealer at residente ng Soyung Echague, Isabela.
Nakita umano na pagewang-gewang ang sinasakyang motorsiklo ng mga biktima bago ito bumangga sa jeepney.
Dead on the spot si Jeffrey Valenzuela habang ang dalawang kritikal ay nasa intensive care unit sa isang pagamutan sa Santiago City.
Ang tsuper ng jeep ay nasa pangangalaga na ng pulisya para sa pagsasampa ng kaso.
Natuklasang lango sa nakalalasing na inumin ang tatlong biktima nang masangkot sa aksidente.




