--Ads--

CAUAYAN CITY- Wala nang masasampahan ng kaso sa naganap na aksidente matapos mamatay ang dalawang nasangkot sa aksidente sa San Mateo, Isabela.

Lumabas sa pagsisiyasat ng San Mateo Police Station na ang namatay na si Rodel Cayamanda ang siyang nag-overtake at pumunta sa linya ng malubhang nasugatan at ginagamot ngayon na si Kenneth Antonio ng Sinamar Norte , San Mateo, Isabela.

Ayon kay SPO4 Bobby Bumanglag, tagasiyasiyasat ng San Mateo Police Station na kapag ang isinagawa nilang pagsisiyasat ang magiging batayan ay ang namatay ang maituturing na suspek sa aksidente habang nasa malubhang kalagayan si Antonio ang biktima

Sa ngayon ay hinihintay ng pulisya ang kapasyahan ng pamilya ng magkabilang panig.

--Ads--

Nagbigay paalala ang pulisya sa mga motorista na doblehin ang pag-iingat upang maiwasan ang aksidente sa lansangan.