--Ads--

CAUAYAN CITY –Libu-libong pisong halaga ng mga alahas, mga cellphones at laptop ang ninakaw ng sampung armadong kalalakihan sa bahay ng may-ari ng isang Palay Buying Station sa pambansang lansangan sa barangay Minagbag,Quezon, Isabela.

Nasa iisang compound ang bahay ng biktimang si Madelyn Aggasid, tubong Centro Dos, Mallig, Isabela at Palay Buying Station kaya sa Barangay Minagbag,Quezon na umano naglalagi ang pamilya ni Aggasid.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PO3 Ronald Mangsat,tagasiyasat ng Quezon Police Station kanyang inihayag na si Aggasid at dalawang carataker na sina Ricky Dizon at Rafael Malayan ay nagpapahinga sa terrace ng kanyang bahay nang pasukin sila ng sampong kalalakihang pawang mga armado ng Cal. 45 at Cal. 22 na baril.

Tinutukan ng baril ang mga biktima at nagpaputok ang mga pinaghihinalaan na sanhi para matamaan ng bala ng baril ang mga caretaker na sina Ricky Dizon at Rafael Malayan na kaagad dinala sa pagamutan

--Ads--

Anya ang mga suspek ay naghalughog sa bahay ni Aggasid at nakuha ang iba’it ibang uri ng mga alahas na nagkakahalaga ng apatnapong libong piso, di pa mabatid na bilang ng mga cellphones, laptop at tatlong libong pisong cash.

Sinabi pa ni PO3 Mangsat na ang 10 armadong kalalakihan na pumasok sa isang bahay at palay buying station ay maaring kasapi ng organized crime Group bagamat nagsasagawa pa sila ng masusing pagsisiyasat.

Tumakas naman ang mga pinaghihinalaan sakay ng isang van patungo sa direksiyon ng lalawigan ng Cagayan.