--Ads--

CAUAYAN CITY – Isinailalim sa Granular Lockdown ang sampung Brgy. sa Bayan ng Bayombong tumataas na kaso ng Covid 19.

Alinsunod sa Advisory No. 21-2021 ipinatupad ang Granular lockdown sa Sampung Brgy. ng bayan kabilang ang Bonfal Proper, District IV, Magsaysay, San Nicolas, Bonfal West, Don Mariano Marcos, Masoc at Salvacion.

Mahigit 250 pa rin ang aktibong kaso ng Covid 19 sa nasabing Bayan at anim ang kumpirmadong kaso ng Delta Variant.

Tatlong beses na mas mataas ang kaso ngayon sa nasabing bayan kung ihahambing sa mga naitalang kaso sa mga nakaraang buwan

--Ads--

Walong Brgy. na rin sa bayan ng Bayombong ang ikinokosiderang nasa Critical State.

Istriktong ipapatupad sa bayan ang no travel pass no entry policy at pagbabawal sa mga pagtitipon maliban na lamang sa Burol, libing at Religious Gatherings.

Samantala inamin naman ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya na halos punuan na ang mga pagamutan sa lalawigan kaya patuloy ang kanilang pagpupulong upang matugunan ang nasabing suliranin.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gov. Carlos Padilla sinabi niya na sagad na ang kanilang tanggapan dahil sa patuloy na pagtaas ng Covid19 Cases sa Lalawigan.

Isa sa paraan na kanilang naiisip ang pagrerenta na ng mga Hotel na magagamit bilang step down area o Quarantine Facility ng mga Covid19 positive.

Ayon kay Gov. Padilla mahirap ngayon ang magisip ng paraan dahil hindi napaghandaan ng lalawigan ang muling pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa lugar.

Sa panahon na tumaas pa ang kaso ay magkukulang na aniya ang mga pasilidad at maaring hingin na rin nila ang tulong ng iba pang ahensya upang matugunan ito.

Ang bahagi ng pahayag ni Gov. Carlos Padilla.