Sampung illegal Miners ang inaresto ng Bagabag Police Station sa Barangay Villa Ros, Bagabag, Nueva Vizcaya.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Oscar Abrogena ang Hepe ng Bagabag Police Station sinabi niya na sa bisa ng Search Warrant na ipinalabas ng MCTC Bagabag ay naaresto ang sampong katao na sangkot sa iligal na pagmimina.
Nasamsam din ang mga kagamitan sa iligal na pagmimina o mining pharapernalia kabilang ang ilang pampasabog at submersible pump.
Sa katunayan aniya dalawang linggo ang makalipas nang makapagtala sila ng pagsabog sa compound na umanoy resulta ng ginagawang pagmimina sa lugar na ginagamitan ng pampasabog.
Kabilang sa mga naaresto ay ang mismong may-ari ng compound na isang may apelyidong Nazareno kasama ang siyam na minero.
Ayon sa may-ari ng compound na 2012 pa ng simulan na nila na maghukay kung saan madalas silang gumamit ng backhoe sa paghuhukay maliban na lamang sa mga pampasabog na kanilang ginagamit.
Ikina-alarma aniya niya ang paggamit ng IED ng naturang mga minero lalo at may isang insidenteng naganap na naitaon sa ginagawang security detailing ng PNP ang isang pagsabog sa compound na siyang nagtulak sa kanila para magsiyasat.