Sampung katao, kabilang ang pinaghihinalaang salarin, ang nasawi sa naganap na mass shooting sa Tumbler Ridge Secondary School sa British Columbia, Canada, habang may iba pang nasugatan.
Anim sa mga biktima ay natagpuan sa loob ng paaralan, at isa pa ang namatay habang dinadala sa ospital. Dalawa pang bangkay ang nakita sa isang bahay na pinaniniwalaang konektado sa insidente.
Ayon sa pulisya, ang pinaghihinalang salarin ay natagpuan ding patay, na umano’y dahil sa self-inflicted injury. Dalawang biktima ang nilipad sa ospital dahil sa malubha o life-threatening injuries, habang humigit-kumulang 25 iba pa ang ginagamot sa local medical center para sa hindi malubhang sugat.
Ligtas na nailikas ang lahat ng estudyante at kawani ng paaralan, at nakikipag-ugnayan ang pulisya sa distrito ng paaralan.
Ang Tumbler Ridge ay isang maliit na bayan sa paanan ng Rocky Mountains sa British Columbia na may populasyon na mas mababa sa 3,000 katao.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente at pagbibigay ng suporta sa komunidad.











