CAUAYAN CITY– Magsisimula na ngayong araw ang 10 katutubong Dumagat para tumulong sa pagsasagawa ground search and rescue operation sa nawawalang Cesnna 206
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Punong Bayan Buentorito Bulan ng Dvilacan na sa kabila na hindi maganda ang lagay ng panahon ay patuloy pa rin ang isinasagawang ground search and rescue operation sa nawawalang eroplano at mga sakay nito
Dinagdagan nila ng sampong katutubong Dumagat ang maghahanap dahil sila ang nakakaalam sa nabanggit na lugar at upang mapabilis ang paghahanap ng nasabing eroplano.
Inihayag ng Punong-bayan na nagpapahirap sa mga rescue team ang mga pag-ulan at pagtawid sa mga ilog at sapa.
Ilang rescuers na rin ang nagkakasakit dahil sa masamang lagay ng panahon.
Sinabi pa ng punong-bayan na puntiryang mapuntahan ng mga rescue team ang Mount Cresta at Divilacan Peak.
Samantala, kalat kalat na ang tatlong ground rescue team ng nabanggit na bayan upang madaling mahanap ang nawawalang cessna 206.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer Engineer Ezekiel Chavez ng Divilacan na hindi pa marating ang target na site Alpha dahil sa hindi magandang lagay ng panahon.
Ang team Alpha na binubuo ng tatlong kasapi ng BFP at apat na rescue personnel ay narating na ang lugar na naunang napuntahan ng mga opisyal ng barangay kung saan natanaw ang white object.
Nagkampo na ang Team Alpha at naghihintay na gumanda ang panahon upang makita ang lugar kung saan nakita ang white object upang agad nilang mapuntahan ang nasabing lugar.
Ang team Bravo naman na binubuo ng pitung rescue personnel na may kasamang opisyal ng barangay habang ang Team Charlie ay binubuo ng siyam na opisyal ng Barangay ay puspusan na rin ang paghahanap.
Sa ngayon ay sobrang pagod na ng mga rescuers dahil mula pa noong January 25, 2023 pa sila naglalakad.
Halos hindi na anya nila maihakbang ang kanilang mga paa dahil sa sobrang pagod
Nabigo silang marating ang lugar dahil sa nababalutan ng makapal na ulap ang bundok at nagkakaroon pa ng malakas pa ang ulan.
Madulas anya ang mga bato sa mga tinatawid nilang ilog at wala nang silbi ang kanilang mga kapote dahil kailangan nilang tumawid sa mga ilog at sapa upang mapuntahan ang lugar.
Bukod sa tatlong team ay mayroon nang unang binuong tatlong katutubong Dumagat na nagtungo sa tinaguriang Alpha site bukod pa sa anim na Dumagat na boluntaryong naghanap.
Mayroon na ring panibagong sampong Dumagat na kabisado ang lugar na inaasahang magsisimula ngayong araw na magtutungo na sa pinakamalayong lugar.
Bibigyan anya ng handheld radio ang mga katutubong Dumagat upang ma-contact ang mga ito.
Hiwa-hiwalay anya ang mga rescue teams para mapabilis ang paghahanap sa naturang eroplano.