--Ads--

CAUAYAN CITY – Bibigyan ng parangal ng Kagawaran ng Edukasyon o DepEd at Pamahalaang Lunsod ng Ilagan ang taekwondo team na nagwagi ng sampung medalya sa kanilang paglahok sa 12th World Taekwondo Culture Expo sa South Korea .

Ang mga nag-uwi ng karangalan hindi lamang para sa Lunsod ng Ilagan kundi sa bansa ay ang magkakapatid na Carl Jian Vista na nanalo ng isang gold at isang silver, si Eljay Marco Vista na nanalo ng 2 silver, Oriel Vista na nanalo ng 1 gold, 1 silver at Yuhanna Karyme Partiniez na nanalo ng 1 gold at 1 silver.

Ang ama ng magkakapatid na Vista na si Atty. Adz Vista ay nanalo rin ng silver at bronze habang ang coach na si Bonifacio Cabauatan ay nagwagi ng 2 silver.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni School Division Supt. Cherry Ramos na sila ay labis na natutuwa at ipinagmamalaki ang karangalang nakamit ng mga mag-aaral ng tatlong paaralan sa Lunsod ng Ilagan, ang Isabela National High School, Ilagan South Central School at St. Ferdinand College.

--Ads--

Ang kanilang tagumpay sa paglahok sa taekwondo sa South Korea ay malaking kontribusyon sa hangarin ng Pamahalaang Lunsod ng Ilagan na maging sports sa region 2

Ang magkakapatid na Vista ay nanalo na ng mga medalya sa kanilang paglahok sa CAVRAA Meet at Palarong Pambansa. Ayon kay Dr. Cherry Ramos, sports enthusiast ang pamilya Vista at pinagyayaman nila ang kanilang skills sa paglahok sa mga kompetisyon tulad ng paglahok nila sa World Taekwondo Culture Expo sa South Korea.