--Ads--

CAUAYAN CITY Sumailalim ang mahigit isandaang estudyante mula sa iba’t-ibang paaralan sa Cauayan City sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) Test bilang bahagi ng selebrasyon ng Pride month.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Neo Corotan, ang Provincial Program Officer, sinabi niya na sa kanilang paglilibot sa lalawigan ng Isabela ay napansin nila na ang Cauayan City ang isa sa may pinakamaraming indibidwal na boluntaryong sumailalim sa pagsusuri.

Aniya, sa lahat ng lugar na kanilang binibisita ay mayroon silang naitatalang positibo sa HIV, kaya hindi umano malabo na mayroon ding kaso ng HIV sa lungsod ng Cauayan.

Dagdag pa ni Ginoong Corotan, kailangan nilang libutin ang Isabela para sa HIV awareness dahil limampu’t-isang kaso umano ng HIV ang naitatala kada araw.

--Ads--

Bukod sa libreng HIV test ay wala ring babayaran sa pagpapagamot ang mga positibo.

Mananatiling confidential naman ang pagkakakilanlan ng mga indibidwal na nag positibo sa isinagawang test.