CAUAYAN CITY- Isinagawa ang ceremonial lighting ng Christmas Village bilang bahagi ng pasko sa Santiago City 2017 sa integrated terminal Complex sa Santiago City.
Pinangunahan ni City Mayor Joseph Tan at mga opisyal ng lunsod ang nasabing aktibidad.
Naging makulay ang ceremonial lighting ng Christmas Village dahil sa pagsindi ng mga fireworks.
Pinailawan sa Christmas Village ang 100 meters ang taas na Christmas tree.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ng Punong-Lunsod na makikita sa Christmas Village ang iba’t ibang mga paninda na gawa sa Santiago City tulad ng mga dry goods at mayroon ding itinayong food store.
Magiging tampok sa Christmas Village ang paligsahan sa paggawa ng mga parol kung saan mananalo ng P/50,000.00 ang first prize.
Mayroon ding binili ang pamahalaang Lunsod ng Santiago mula sa lalawigan ng Pampanga na isang 30 feet Christmas lantern na mayroong 3,000 bulbs na darating bago ang unang araw ng Disyembre.




