--Ads--

CAUAYAN CITY – Naglaan ng isang daang milyong piso ang pamahalaang panlalawigan para sa drying facilities na maaring gamitin ng mga magsasaka tuwing anihan sa Isabela.

Isa sa nakikitang dahilan sa pagbaba sa presyo ng mga produktong pang-agrikultura tulad ng mais at palay ay ang hindi maayos na pagpapatuyo nito pangunahin na kapag panahon ng tag-ulan.

Sinabi sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan ni Punong Lalawigan Bogie Dy na ang nakikita niyang solusyon ay ang magdagdag ng apat hanggang limang drying facilities malapit sa mga National Food Authority sa lalawigan.

--Ads--

Noong nakaraang taon na maraming bagyong dumaan ay naging mahina ang kita ng mga magsasaka dahil sa mga basang produkto.

Inaasahang kapag naisakatuparan na ang nasabing proyekto ay kahit sa panahon ng wet season ang anihan ay hindi malalayo ang kita ng mga magsasaka sa dry season.

Nais din ng pamahalaang panlalawigan na mabawasan ang pagbibilad sa mga kalsada na nagsasanhi ng mga aksidente sa Isabela