CAUAYAN CITY – Nakapag-consolidate na ang lahat ng jeepney operators at drivers sa Lungsod ng Cauayan ilang buwan bago ang deadline.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Felix Dacquel, jeepney driver, sinabi niya na buwan pa lamang ng Enero ay 100% consolidated na silang lahat.
Aniya, marami sa kanilang mga drivers at operators ang hindi sang-ayon sa jeepney modernization program dahil hirap silang bayaran ang nasa mahigit isang milyon na halaga ng sasakyan.
May mga napilitan lang umano na mag-consolidate o sumali sa kooperatiba para mabigyan ng mahabang panahon para mamasada.
Aniya, gusto niya ring magkaroon ng bagong jeep ngunit sa tingin niya ay malulugi lamang sila lalo na at 900,000 pesos ang pinaka-mababang halaga ng modern jeepney.