--Ads--

Umabot sa 1,168 na personnel ng 5th Infantry Division, Philippine Army ang nakibahagi sa disaster response sa mga apektadong indibidwal sa pananalasa ng bagyong Kristine.

Ang mga ito ay mula sa 118 Quick Response Team ng 5th Infantry Division katuwang ang mga reservist.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Division Public Affairs Chief PLt. Col Melvin Asuncion ng 5th ID, sinabi niya na naging katuwang ng iba’t ibang mga ahensiya ang kanilang quick response team sa pagsasagawa ng pre-emptive evacuation pangunahin na sa coastal towns ng Lalawigan ng Isabela.

Tumugon din aniya ang kanilang hanay sa pag-rescue ng mga apektadong indibidwal pangunahin na sa lalawigan ng Cagayan at Cordillera Administrative Region na nakaranas ng pagbaha at pagguho ng lupa.

--Ads--

Sa lahat umano ng lugar kung saan sila nag-deploy ng personnel ay pinaka-nahirapan umano sila sa bahagi ng Cagayan bunsod ng mga pagbaha na naranasan sa lugar.

Gayunpaman ay pinagpapasalamat nila na wala namang naitalang nasaktan sa kanilang mga hanay.