Maraming pilipino ang dumalo sa ginanap na misa para sa mga Filipino Olympic Athletes kahapon sa Église Sainte-Madeleine Church sa Paris, France.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Dick Villanueva, inihayag ng monseigneur na namuno sa misa na isa ito sa dinaluhan ng napakaraming pilipino mula sa ibat ibang delegasyon na umabot sa mahigit isang libo.
Dinaluhan naman ito mismo ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham Bambol Tolentino habang hindi naman nakadalo ang mga atleta dahil sa kasalukuyang training at dahil sa mainit na temperatura na epekto ng heat wave sa nasabing bansa.
Hindi naman nakadalo ang mga pinoy athletes dahil kasalukuyan ang kanilang training at isa rin sa dahilan ay ang pananalasa ng heat wave sa Paris.
Aniya hindi sanay ang mga pinoy sa init ng panahon sa Paris na ibang iba sa temperatura na nararanasan sa Pilipinas.
Umabot sa 40 degrees celsius ang temperatura sa Paris dahil sa nararanasang Heat Wave.
Walang aircon at electric fan sa Olympics Village kaya agad nang nagpadala ang pamahalaan ng Paris ng mga airconditioning units upang maibsan ang init na nararanasan ng mga delegado.