--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahigit isandaang libong ektarya ng mga pananim ang tinatayang naapektuhan sa Lambak ng Cagayan dahil sa pananalasa ng bagyong Nika.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Executive Director Rose Mary Aquino, ng Department of Agriculture Region 2, sinabi niya  bago pa man tumama ang bagyo ay mayroon nang standing crop na 133,025,000 ektarya ng palay.

90,618 hectares mula rito ang nasa maturity stage habang 16,641 naman ang nasa reproductive stage at 27,000 ektarya ang newly planted.

Aabot naman sa 24,112 ektarya ang standing crop sa mais habang 11,679 ektarya sa high value crops.

--Ads--

Batay sa datos na isinumite sa kanilang tanggapan, pinakamarami ang naapektuhan sa lalawigan ng Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya.

Sa ngayon ay wala pa silang eksaktong datos ng inisyal na halaga ng pinsala ngunit nakatitiyak sila madaragdagan ang 298 million pesos crop damage  na naitala dahil Bagyong Marce.

Sa ngayon ay inaantay pa lamang nila ang Quick Response Fund para sa bagyopng Nika ngunit sa lalong madaling panahon ay mamahagi sila ng agarang tulong para sa mga magsasaka gaya na lamang ng mga binhi na nakapreposition sa kanilang tanggapan.