CAUAYAN CITY – Nakipagpulong sa Camp Crame ang 11 gobernador kay Interior Secretary Benhur Abalos at mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) at pinag-usapan ang threat assessment at seguridad para sa kanila.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Governor Rodito Albano na sila ang humiling ng dayalogo sa kalihim ng DILG at mga opisyal g PNP.
Pinag-usapan din ang paglalagay ng mga checkpoint sa mga strategic areas at istriktong imomonitor.
Layunin nito na maipakita ang police visibility at mabilis na pagharang sa mga suspek kapag may nangyaring krimen.
Sinabi aniya ni Kalihim Abalos ng DILG na ang mga mayor ay may direktang kontrol at supervision sa mga pulis.
Nangangahulugan ito na ang mga hepe ng pulisya ay kailangang magreport sa mga mayor.
Ang mga gobernador naman ay kailangang may supervision sa mga nangyayari sa mga nasasakupang bayan ay lungsod.
Sinabi pa ni Governor Albano na kailangan nilang tukuyin ang mga election hotspots sa kanilang lalawigan kaugnay ng Barangay at Sangguniang kabataan elections sa Oktubre ngayong taon.
Humingi rin sila ng tulong sa PNP at National Bureau of Investigation (NBI) para malaman ang mga notorious na criminal elements at mga sindikato na nagsasagawa ng operasyon sa mga nasasakupan nilang lugar.
Paiigtingin din ang pagbibigay ng security personnel sa mga lokal na opisyal na may banta sa kanilang buhay.
Ayon kay Gov. Albano, dito sa Isabela ay hindi naman nagpapatayan ang mga pulitiko dahil mayroon silang maayos na ugnayan.
Muling bubuhayin ag Regonal Peaceand Order Council (RPOC) para matalakay ang mga plano at kung ano ang mga gagawin.
Ganito ang bahagi ng pahayag ni Governor Rodito Albano.