CAUAYAN CITY – Sa kabila ng umiiral na Enhanced Community Quarantine ay bibiyahe ang 11 shuttle service sa lunsod ng Ilagan na libreng magagamit ng mga mamamayan.
Bilang tugon sa problema sa transportasyon ay gagamitin muna ang ICARE o LGU coaster ng lunsod.
Maaring sumakay ang mga bibili ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng mga pagkain, gamot, at paghahatid ng mga medical workers at maaari ring gamitin sa emergency situation.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Public Information Officer Paul Bacungan ng City Of Ilagan, sinabi niya na updated ang mga ruta ng libreng shuttle service patungo sa iba’t ibang barangay.
Mahigpit ding ipapatupad ang social distancing sa pagsakay ng nasabing shuttle service.
Ang oras ng byahe ay magsisimula ng alas-otso ng umaga at susundan ng ala-una ng hapon at alas-singko ng hapon.











